Kanser 2019-Gantimpala Theater Foundation 42nd Season

Ang Kanser ay dula ng Gantimpala Theatre  Foundation para sa kanilang 42nd Season. Ito ay hango sa ‘Noli Me Tangere’ isang klasikong nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal noong 1887 sa panahon ng Kastila. Inilalarawan ng nobelang ito ang walang katarungan ng mga paring Katoliko at ang naghaharing pamahalaan.  Ang unang pagtatanghal ay noong 1979 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Simula noong 1989 ito ay taun-taon ng itinatanghal nang Gantimpala Theater. Noong 2015,ginawa itong “sung-through” na musikal na binuo ni Joed Balsamo. 

Kanser 2019 Gantimpala Theater Foundation 42nd Season

Ang 2019 produksyon ng dulang Kanser ay sa panulat ni Jomar Fleras at sa direksyon ni Frannie Zamora. Ayon kay Direk Frannie taong 1993 noong una nyang maiderehe ang dulang Kanser para as Bulwagang Gantimpala na itinanghal sa Nicanor Abelardo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Sa paglipas ng mga taon pinamahalaan ng marami ng direktor ang patuloy na pagsasadula ng Kanser. At isa na si Direk Frannie Zamora sa mga direktor na nagbigay buhay sa dulang ito.  

Ang Buod ng Kanser:

Kanser 2019

Nagsimula ang dula sa isang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago na dinaluhan ng mga kilalang tao sa pamahalaan at simbahan. Ang pagtitipong ito ay para na rin sa pagbabalik ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin mula sa Europa.  Dito ay nagawang alipustain ni Padre Damaso si Ibarra. Sa pagtitipon din naganap ang pagtatalo ni Padre Damaso at Tinyente Guevarra.  Napag-alaman ni Crisostomo Ibarra kay Tinyente Guevarra ang tunay na nangyari sa kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Ang pagkakulong at pagkamatay nito at itapon sa lawa ang bangkay dahil sa paratang na ito ay erehe at pilibustero.  Ang binatang Ibarra ay binalaan nang Tinyente na mag-iingat.  Isa sa mga dahilan nang pagbabalik ni Crisostomo Ibarra ay ang kasiyahan na muling masilayan si Maria Clara. Sa kanilang muling pagtatagpo nagpalitan ang dalawa ng mga alaala.

Kiel Alo – Crisostomo Ibarra at Rare Jireh Yzel – Maria Clara,

Tinalakay rin sa dulang ito ang sinapit ng magkapatid na sakristan, si Basilio at Crispin na anak ni Sisa. Ang di makatwirang pagbibintang ni Padri Salvi ng pagnanakaw kay Crispin  at pinagmumulta naman si Basilio dahil sa maling pagtugtog sa kampana. Hindi sila pinauuwe bilang parusa sa ibinibintang sa kanila ngunit nakatakas si Basilio, ang trahedyang ito ang naging sanhi ng kanilang pagkawala. Si Sisa ay nag-alala na kanila dahil sa hindi paguwe ng mag kapatid. Hinanap nya ang mga anak sa buong bayan ngunit hindi nya nakita na siyang dahilan ng pagkabaliw nito.

Richelle Joson bilang si Sisa,

Ipinakita rin sa dula ang pagtatagpo ni Elias at Ibarra  sa bangka. Nakakita si Elias ng isang malaking buwaya. Mabilis na tumalon si Elias sa bangka na syang sinundan ni Ibarra upang tulungan na patayin iang buwaya.

Itinuloy ni Ibarra ang pagpapatayo ng paaralan sa bayan at mamuno ng mga sosyo-politikal sa bansa. Ngunit para kay Elias, ang pang-aapi ng mga Kastila ay mapipigilan lamang sa pamamagitan ng isang marahas na pag-aaklas.  .  Lumapit din si Ibarra kay Pilosopong Tasyo upang isangguni patungkol sa itinatayong paaralan. Binalaan din ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na mag iingat sa kanyang plano at di sya dapat ang konsultahin. Mas mainam na sa mga Kura Kapitan ukol sa kanyang plano. 

Samantalang si Padre Damaso naman ay tutol sa mga repormang mungkahi ni Ibarra. Sa isang sermon ni Padre Damaso panay ang parinig nya sa binatang si Ibarra. Binalaan ni Elias si Ibarra na magingat sa araw ng paghuhugos para sa pinatatayong paaralan. Nag katotoo ang babala ni Elias, at isa sa mga kamag-anak ng nasawi sa pag hugos ng paaralan ay humihingi ng malaking halaga mula kay Ibarra ngunit ito ay tumanggi. Pumunta ang nasabing kamag ank kay Padri Salvi upang humingi ng tulong.  Ang Frayle  ay nag bigay ng pera sa kundisyon isangkot ang pangalan ni Ibarra sa kilusan ng mga rebelde sa pagsalakay sa cuartel

Ipinaalam ni Elias kay Ibarra na ibinibintang  sa kanya ang pagsalakay sa cuartel ng mga Kastila, at siyay iutos na dakpin. Tutulungan sana syang makatakas ni Elias ng matuklasan nitong ang sanhi ng paghihirap ng kanilang angkan ay ang nuno ni Ibarra.

Nakatakas si Ibarra sa kulungan, binista at nag paalam kay Maria Clara. Ipinaalam naman ng dalaga kay Ibarra na ang tunay nyang ama ay si Padre Damaso. Sa muling pagkikita nila ni Elias sa gubat ay sinabi ni Ibarra na ang “tanging solusyon sa paghihirap ng bayan ay isang marahas na rebolusyon”.

Ang mga Nagsiganap;

Kiel Alo bilang si Crisostomo Ibarra, bagaman baguhan sa Teatro hindi maikakaila ang kahusayan sa kaniyang pagganap, naipakita niya ang mga emosyon na kinakailangan sa kanyang karakter.  Ang kanyang kaalaman sa pag awit ay naipamalas niya ng buong husay.

Rare Jireh Yzel Columna bilang si Maria Clara, hindi man baguhan sa larangan ng Teatro ngunit umakma sa kanyang katauhan ang karakter bilang isang mahinhing dalaga. Isa syang Soprano kaya naman hindi maikakaila ang husay sa nito sa pag-awit.

Carlo Mendoza bilang Padre Salvi, isa ring baguhan sa teatro na ang forte bilang mangaawit ay pop/ballad. Isang  hamon sa kanya ang karakter na ito sapagkat gawi ng isang matandang pari ang dapat nyang ipakita. Naging hamon rin sa kanya ang pag awit dahil iba ang kanyang nakasanayan. Naging matagumpay na naipakita o naipamalas nya aang tamanag arte na hinihinigi sa karakter bilang Padri Salvi. 

Carlo Manalac bilang si Elias, hindi man gaanong makita ang mga expression ng kanyang mukha dahil sa salakot na kanyang suot ngunit ramdam mo ang kanyang pagganap bilang isang rebeldeng binata na nag nanais na mapabuti ang bayan. 

Maganda rin ang pag ganap at karakter ni Padre Damaso na giampanan ni Leo Ponseca, napaka “subtle”ng kanyang atake sa pagganap bilang si Padre Garote. 

Isa rin ang karakter ni Richelle Joson bilang si Sisa, ang madalas na isang hamon sa mga mabibigyan ng pagkakataon gumanap. Naging “consistent”naman  Richelle sa kanyang karakter lalo na sa galaw at itsura. Isang hamon sa kanyang ay ang pag awit dahil sanay sya na umaawit sa koro. 

Maliit man ang mga eksena ng mag kapatid na Crispin at Basilio, buong husay pa rin nila itong nagampanan, lalo na si JV Pascual bilang si Crispin. 

Ang iba pang mga nag siganap  ay sina Roni Abario at Neil Tolentino bilang Pilosopo Tasyo; Roni Abario na gumaganap din bilang si Don Tiburcio; Leslie Dailisan, Don Tiburcio; Sarah Maniquis, Donya Victorina; Reina Reas, Donya Consolacion; Angelo Moratilla Tinyente Guevarra; Frannie Zamora bilang si Kapitan Tiyago; Jesiela Gripo, Sinang; Juan Miguel Tecson, Basilio; Francis Cruz III, Lucas.

Mga nagsiganap bilang Taong Bayan;

Miguell Arnaldo, Jerecho Ramirez, Mark Tulipat, Joseph Navarro, Romualdo Delos Reyes, Vangie Inocencio, Kimberly Somoza, Beaulah Saycon. 

Sa kabuuan, ang mensahe ng pagtatanghal ng dulang ito ay patuloy na sumasalamin sa sakit ng lipunan mula pa sa panahon ni Rizal hanggang sa kasalukuyan. Ang istorya ng dulang ito ay patuloy nating nararamdaman sa mga nagdaang at sa kasalukuyan panahon kaya maraming Ibarra At Elias ang nagnanais mabago ang sistema ng lipunan. 

Kahit ilang ulit na niyang naidirehe ang dulang ito matagumpay pa rin inilahad ni Direktor Frannie Zamora ang mensahe ng dulang ito. Layunin niya na ilapit sa mga bagong henerasyon ng manunuod ang nobelang ito. Para sa kanya, kailangan sumabay ang teatro sa pagintindi sa takbo ng isip ng bagong kabataan upang maimulat ang kanilang kamalayan sa pamamagitan ng dulang Kanser.  

Ang huling pagtatanghal ng dulang ito ng Gnatimpala Theater Foundation ay bukas Oktubre 3 sa star Theater sa mga sumusunod na oras, 8am/ 11am/2pm

Barque Raul

I am an HR practitioner by profession. I have a passion for writing but definitely not a writer. I created this blog 2008 just to journal my thoughts, ideas and my opinions that went through my mind.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top