“TAKAS” ang pagbabalik ni Direktor Jose Kaka Balagtas

Sino  ba ang hindi nakakilala sa direktor na si Jose Kaka Balagtas?  Isang kilalang direktor, manunulat at aktor ng Philippine cinema. S’ya ang batikang direktor nag pasikat sa mga Action Star ng bansa tulad ni Dante Varona, Cesar Montano, Phillip Salvador, Dante Varona , Ramon Revilla , Roi Vinzon at marami pang iba.

Matagal na din ang kanyang huling pelikula “Anak ng Kuymander” na ipinalabas pa noong 2008.  Ngayon visible s’yang muli dahil sa kanyang ginawang short film na may pamagat ng “Takas”.  Ang short film na ito ay kanyang entry para sa Cinemalaya 2021. Hangad ni Direk Kaka’ na mapasama ito sa magiging pinal na kalahok para sa Short Film Category.

Ang “Takas” ay pinag bibidahan ng bagong actor na si AL FRED Montero, na para kay Direk Kaka ay ang makabagong action star at naniniwalang ang batang Rudy Fernandez.  Kung titingnan nga naman ay may pagkakahawig, na meet na namin si AL FRED MONTERO,  guapo at may matikas na pangagatawan at totoo ding may resemblance sya kay Rudy Fernandez maputi nga lang itong si “Daboy”. Kapanisin pansin din ang pagkakahawig si AL FRED kay Cesar Montano sa mga photos nya. Nakakagulat din ang  ganda ng kanyang rehistro sa camera.

Kung napabilib si AL FRED  sa husay at pagka professional ni Direk Kaka’ gayun din ito sa kanya. Sobrang naniniwala at bilib si direk kay AL FRED bilang isang baguhang aktor. Puring- puri nya ang  kanyang bagong  aktor na ayon nga kay Direk Kaka, “si AL FRED bilang isang baguhan,  parang matagal na, pag hiningan mo ng akting meron naman di natatakot lumundag saan mo gusto papuntahin ready sya sa drama,  action kung baga si AL FRED complete”.

Alam ni direk  na may potensyal itong si AL FRED MONTERO bilang aktor dahil marunong syang tumingin, may mata tayo,  na  ayon nga sa kanya lahat ng hinawakan nyang babae ay sumikat tulad ni Rita Magdalena, isang sikat na sexy star nuong araw. Nakita nya lang itong kumakain ng lugaw. Sabi ko “gawan nating ng pelikula ‘tong batang ito”. “Ginawa namin “Makamandag na Bango” sumikat ng todo si Rita Magdalena. Kaya lang nasira nung umibig, dun nasisira sa pag-ibig, kapag umibig na nakaka-limutan na ang trabaho”.

Na miss na nga ni direk ang paggawa nang pelikula nuong araw. Malaki ang pag-kakaiba ng pag didirek nuon at sa ngayon. Para sa kanya hinid na maibabalik ang “Golden Era” ng Philippine Cinema lalo nasa pag-gawa ng action movie.  Kaya hindi maikakaila ang saya ni Direk Kaka sapagkat nakabalik na nga s’ya sa larangan ng pelikula. Kaya abangan natin ang “Takas” para sa Cinemalaya 2021.

Isang malaking produksyon na kanyang gagawin ang Gen Malvar na matagal na nabalita ang inaabangan din ng lahat.

Facebook Comments

Barque Raul

I am an HR practitioner by profession. I have a passion for writing but definitely not a writer. I created this blog in 2008 just to journal my thoughts, ideas and my opinions that went through my mind.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top