Wikang Katutubo sa Buwan ng Wikang Pambansa 2019

2019 – Ang wika ang nag sisilbing tulay sa pakikipagugnayan at pakikipag talastasan sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Ito rin ang gamit itaas ang kamalayan ng bawat mamamayan.

Logo ng Buwan ng Wikang Pambansa 2019

Wikang Filipino ang gamit ng mga Pilipino na binubuo ng mahigit 100  dialekto o  katutubong Wika. Mga wikang sumasagisag sa pagiging iba ng Pilipino sa dami ng mga bansang sumakop dito.

Wikang Tagalog ang unang wikang itinuturo sa atin nuong tayo’y nagsisimula pa lang magsalita. Kung ilang beses tayong napalo at nakurot ni Inay sa  kagustuhang maituro ang pagbaybay ng Alpabetong Pilipino.

Sa ilang taon natin sa Paaralan ay sya ring taon nating pinag aaralan ang Wikang Filipino. Ngunit, tila hindi napagisipan na dapat sana’y itinituro sa klase ang nga Wikang Katutubo upang mapalawak ang ating kasanayan sa bawat wikang katutubo. Isang mainam na sandata sa pakikipagtalstasan kung ang bawat isa ay marunong ng katutubong Wika.  Malaking tulong kung marunong ka magtagalog at marunong din makipagtalastasan sa Wikang tulad ng  Bisaya, Ilocano at iba pang katutubong Wika.  Sa gayon mas mapapaunlad ng lahat ang ating Wika, makarating ka man sa ibang lugar malaya ka na makipaguganyan  gamit ang katutubong Wika.  Hind lamang sa pakikipagugnayang personal pati na ang ugnayan politikal at maging ang ekonomiya.

Sumasabay ang pagbabago ng Wikang Filipino, sa pagbabago ng panahon.  Maraming uri ng lenguwahe ang nadagdag sa ating Wika  tulad ng “gay lingo” na naging “bekmon” pati na rin ang “jejemon”.  Ano man uri ng mga salita ang matuklasan, mainam pa din na mapanatili ang ganda ng anumang Wikang Katutubo na meron tayo at sumasagisag ng  Wikang Filipino.

Komisyon ng Wikang Filipino

Nasa bawat isang Pilipino  ang pagunlad ng ating bansa at ng ating sarili. Tayo rin ang dapat magmahal, magpaunlad at ipagmalaki ang sagisag ng ating pagka Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published.